Sunday, May 10, 2015

Happy Mother's Day Mummy

Para sa bawat...

(Sa Kusina) “AY, yang ulam na iyan ay bilang na bilang. Tigigisang gayat lamang kayo.”

 (On traveling) “Yan! Lagi na kayong may naiwan! Kung kayo’y mga listo, ya’y isang buwan pa ang alis, dapat ikaw ay may isang bag na paglalagyan mo ng mga dadalhing gamit, at pagkaka-alaala mo’y lagay laang ng lagay duon. Ay di pag-aalis na’y isang damputan na lamang at walang naaaywan!”

 “O, are ang iyong pang-tuition. Ingat-ingate at iya’y inagaw pa sa bunganga ng ahas.”

 (After giving P5.00 tip to waiter) “Sige! Pagtawanan ninyo ang inyong ina! Alalahanin ninyo na kung hindi dahil sa aking katipiran, aywan ko kung kayo’y mga nakapagtapos ng pag-aaral!”

 “Ano? Birthday gift? Baka ika’y makwentahan ko ng naipakain ko at naipag-paaral sa iyo mula pagkabata mo!”

 “Manang-mana kayo sa inyong ama!”

 “Salamat sa iyong padala. Maganda, nagustuhan ko. Magkano naman ang nagastos mo dito? [Pause] ANO?? Uy, uy, uy, Graciana! Hindi ka na nanghinayang sa kwarta! Kung iya’y ibinibili mo ng bigas sa bahay, ika’y napuri ko pa!”


Mahal na mahal ka namin, Mamita.

P.S.



P.P.S. (my favorite):

Me: Ok, see you later, alligator!

Mum: BASTOS KA PARA TAWAGIN MO AKONG ALLIGATOR! WAG MO NA AKONG IBILI NG PERIDOT AT IBALIK MO ANG PERANG PADALA KO. WALA KANG RESPETO!